#TECHNOTIP: Fertilizer Application

#TECHNOTIP: Fertilizer Application

by Yovina-Claire Pauig -
Number of replies: 0

Huwag agad gumamit ng pestisidyo kapag may nakitang peste sa palayan sa unang 30 araw pagkalipat-tanim o 40 araw pagkasabog-tanim. Pinapatay lamang nito ang mga kaibigang kulisap na likas na kalaban ng mga peste. Sa ganitong gulang, may kakayahan pang magpatubo muli ng dahon at suwi at palay na inatake ng peste.

Para mapamahalaan ng maayos ang peste sa palayan:

1. Paramihin ang mga likas na kaaway ng mga peste gaya ng pagong-pagongan, tutubi, long-horned grasshopper, putakti, at gagamba.
2. Magsagawa ng sabayang pagtatanim matapos pagpahingahin ang lupa nang hindi bababa ng isang buwan. Mapuputol nito ang mapagkukuhanan ng pagkain ng mga pesteng kulisap na magpapahinto naman sa inog ng kanilang buhay.
3. Laging bisitahin ang palayan upang malaman agad ang pagdami ng peste. Panatilihin ang kalinisan sa paligid ng palayan na maaaring panirahan ng mga ito.
4. Iwasan ang sobrang pataba na nagdudulot ng pagkapal ng dahon na umaakit sa mga peste.

I-like at i-follow kami sa Facebook, X, at Instagram (@atiinteractive) para sa iba pang mga tips tungkol sa pagsasaka. Maaari din kayong sumali sa aming Farmers’ Contact Center communities sa Viber at Telegram.

#ishareknowledge #ATIiNspire #ATILEADS